“You will ever remember that all the end of study is to make you a good man and a useful citizen.”

― John Adams

I happen to stumble at this blog again, and I think I should devote my sembreak here. But for the mean time, I need to study first.:)

TOODLES!

“You will ever remember…

Advertisements
Tagged , ,

Music is Love ♥

\m/

Rock and Roll!

Tagged

Yellow Shirt ♥

Are you wearing a yellow shirt a while ago?
Gash, I’m imagining things.
Te echo de menos. ♥♥

Tagged ,

LOVE ♥♥

I was watching ABS-CBN a while ago and I really find this very SWEET!
This is the scene where JanDi drowns,since she cannot swim due to her shoulder injury.
Syempre, Jun Pyo is to the rescue:)))

Here is the picture:)

Jan Di and Jun Pyo's Body( drools:)) )

Jandi: You can swim?!
Jun Pyo: Rather than watch some other guys save you, it seemed better if I drowned:””>
PERO, feel ko, mas nakakakilig yung tagalog version!
Jan Di: Hindi ka marunong lumangoy di ba?
Jun Pyo: Nag-aral akong mag-swimming, kesa iba pa ang sumagip sa’yo.
Yiiiieee:”””””>

Tagged , ,

tss. ano ba ‘yan??

nung una, mukha ka namang okay. natuwa nga ako dahil finally nagkaroon ako ng kaibigang babae sa klase kong yun. actually isa ka sa una kong kaibigan dun sa asignatura na ‘yun. sinusubukan kong kausapin ka, maging mabait sa’yo kase pakiramdam ko nahihiya ka sa mga taong nasa paligid mo. sinusubukan kong mag-reach out sa’yo lalo na nung napansin kong mas nagiging close na kami nung isa nating kaibigan at parang hindi ka na namin nakakausap.

pero bakit ganun? magkausap tayo kanina tungkol sa nalalapit na kaganapan sa huwebes at kung meron bang pasok sa araw na yun. ang taray taray mo. pinaramdam mo sa akin na ambobo ko na ewan na kailangan alam ko lahat ng bagay. bakit ikaw ba magaling ka? alam mo ba lahat ng bagay sa mundo?? kung makapag-salita ka naman, akala mo kung sino ka. kasalanan ko bang hindi ko alam, e hindi naman ako interesado diyan sa mga affair na ganyan eh. Nakakagago. SERYOSO. Peste. parang gusto tuloy kitang bastusin the next time magkausap tayo. gusto ko ring imudmod sa mukha mo yung mga bagay na alam kong forte ko at hindi mo alam.

Grabe, nakakagago talaga. ako na nga ‘tong lumalapit sa’yo, akala mo kung sino ka pa.

Tagged , ,

you NEVER fail to…:)

You never fail to make me laugh or smile at your simplest reactions and answers.

You may not give me heart to heart advices like the others but you do your advising in a different way, which I really find humble, cute, and funny.

Orange Braces

Yes, I might see your statements as odd and weird and I might be expecting a serious talk that would clear out my blurry mind, but, there you are, advising me again with odd but cute and funny thoughts.

You’re just there beside me, willing to listen and absorb all the emotions, whether good or bad, that I release when I rant.

You saw me laugh till my stomach hurts, cry till my eyes are puffy and swollen, and rage till i feel better.

You try to be patient with my corniest, weirdest and most senseless jokes; and you just take it all in, quietly suffering because you know that I can’t stop my mouth from blurting those crap out.

You try your best to do what I want you to do: accompany me, play with me, do weird stuff, and most of all listen to me. You even considered my suggestion by having orange as the color of your braces. I told you that having them colored orange will be a “pa-birthday na lang sa akin”. I thought you would not take it seriously. But then you DID! And you showed it to me on my birthday! I really felt happy that day:)

I can’t think of how much patience you have in order to just nod every time I bully you.

I tell you that you’re gay, weak, weird, crazy and not pogi. I even ask you if you take a bath because your hair is sooo messy.

But inspite all of those, we are still mag-pare and I’m really thankful for that.

I see you as one of my bestfriends. And I hope that you see me as your bestfriend too.

I wish that this friendship and closeness of ours will stay on forever.

I admire your goodness, ohrange:)

Tagged ,

grrr…FAIL!

this was supposed to be posted last September 16 pa. Gaaash, ang tamad ko kase.

 

bukas ay CDC na. malapit lang naman ang cubao sa amin at alam ko kung paano pumunta duon; pero may takot akong nararamdaman kapag iniisip kong magbabiyahe akong mag-isa. so pinag-iisipan kong tanungin siya kung pwede ba akong sumabay sa kanya, since pareho lang naman kami ng lugar na panggagalingan.

pero dahil hindi na katulad ng dati ang pakikitungo namin sa isa’t isa, hindi ko na sya pwede tanungin ng basta basta. IBA na kase ngayon eh.:(

dahil ako ay nag-aalangan pa, napagpasyahan kong magtanong tanong sa mga kaibigan ko sa kung anong dapat gawin. Ganito yung tanong ko: Pre, ok lang kaya na tanungin ko kay sevensix kung pwede akong sumabay sa kanya papuntang Araneta bukas? Di kaya siya mao-awkwardan dun?

ang sabi ng karamihan ng mga kaibigan ko, GO lang daw. kase gentleman naman siya at maybe he would appreciate that gesture pa nga daw eh. atsaka wala namang masama kung ang intensyon ko ay purely friendship lang naman.

yun naman talaga ang intensyon ko eh: i mean, kaya ko naman isantabi ang kung anong nararamdaman ko eh. atsaka para masanay naman na kami sa ganitong set-up. as MAG-PARE.

so yun, tatanungin ko na dapat. eh, bglang nagtanong-tanong pa ako sa mga friends ko.  ang sabi nung isa: WAG daw. parang hindi pa naman enough ang almost two months para maging ang pakikitungo namin sa isa’t isa. baka daw mailang si sevensix.

edi PINANGHINAAN ako ng sobra. parang ayoko na. pero, kailangan ko din naman malaman yung isasagot niya.

minessage ko sya sa FB, since online naman siya. pero hindi ko inaasahan yung nangyari. HINDI MAN LANG SIYA NAGREPLY! Gaaaash! bakit ganun?? i was expecting na hihindi or o-oo siya! so yun, MAJOR FAILURE AKO. kailangan ko tuloy magpunta sa Araneta mag-isa bukas 😦

Tagged , ,

tiring but worth it :)

it took me so much time to edit my blog; and i was really amazed on how much i could do with my account :)) It was really FUN, but I still need to learn a lot of things. :> Di bale, marami pa namang oras 🙂

 

“exploring is so much fun :)”

Tagged

zombie

nakakatamad na ang mga araw. ngayon ko nararamdaman ang aftershocks. gosh, pakiramdam ko unti-unti na akong nagiging zombie. naglalakad lang pero talagang patay na sa loob. ayoko maging ganito. ayoko sa mga zombie dahil una : nakakatakot sila,pangalawa: malungkot sila dahil wala silang kaluluwa; ay mali., wala silang nararamdaman kaya miserable sila; pangatlo at pinakamasama sa lahat: yung mga taong gustong maging masaya ay hinahawaan nila ng pagkazombie nila. kaya wala silang konsiderasyon.

haaay. kaya ayaw kong maging zombie. pero anong magagawa ko? nararamdaman ko nang unti- unti nang naging manhid ang pagkatao ko. kapag nandyan ang mga kaibigan ko, napipilitan akong magkaroon ng ibang mood; kailangan kong maging masaya. hindi naman sa pinaplastic ko sila, mahalaga sila sa akin at talaga namang sumasaya ako pag kasama ko sila. kailangan kong kailangan kong maging masaya dahil ayoko na silang isali at impluwensyahan ng kung anong nararamdaman kong panghihina at kalungkutan. ayokong maging isang zombie. na porket malungkot ako, kelangan malungkot din sila. gusto kong makita nila ako bilang isang taong masaya at kakayanin ang problema. at kung maglulungkot-lungkutan ako, kailangan isang beses lang; the next time na makikita nila ako, dapat masaya na ako. ayoko pa kasi silang abalahin eh. at sino ba namang gugustuhin na makisama sa isang taong miserable; diba nakakadown yun? haaay. time’s up muna. nakakatamad na magtype.

Tagged , , ,

Moody Woody

Hello:)

 

Gaa, I’m new here. Haha, I AM LOST. 😀

Tagged , ,